●/ P4-B lugi sa ekonomiya sa Zamboanga /▌ / by Robert - TopicsExpress



          

●/ P4-B lugi sa ekonomiya sa Zamboanga /▌ / by Robert Ticzon Sep 21, 2013 UMABOT na P4 bilyon ang nawala sa ekonomiya ng Zamboanga City sa nakalipas na 12 araw ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF). Sa talaan ng city government, P331 milyon ang nawawalang kita sa lungsod sa kada araw na tigil-operasyon sa halos lahat ng negosyo at hindi pa naibabalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente roon. Ayon naman sa Bureau of Fire Protection (BFP), P20 milyon na ang danyos sa kabuuang 1,352 na bahay na sinunog ng mga rebelde sa Barangays Sta. Catalina, Sta. Barbara, Mariki, Rio Hondo, Zone 4 at Mampang. Sa pinakahuling tala naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), halos 120 na ang napatay sa bakbakan. Kabilang dito ang 96 MNLF, 10 sundalo, tatlong pulis at walong sibilyan. Idagdag pa rito ang isang nasawi sa pagsabog sa isang bahay nitong Sabado ng umaga. Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit 118,000 indibidwal na ang naapektuhan ng gulo sa Zamboanga City. Kabilang dito ang 71,265 evacuees na nananatili sa grandstand. remate.ph/2013/09/p4-b-lugi-sa-ekonomiya-sa-zamboanga/#.Uj1sqlMhG94
Posted on: Sat, 21 Sep 2013 13:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015