Pondo sa Egypt forced evacuation sa OFWs, sapat Written by Jofrey - TopicsExpress



          

Pondo sa Egypt forced evacuation sa OFWs, sapat Written by Jofrey Cagape Published in Top Stories Wednesday, 21 August 2013 Pondo sa Egypt forced evacuation sa OFWs, sapat Tiniyak ngayon ng pamahalaan na may sapat na pondo para sa mandatory evacuation o repatriation ng mga Pilipino sa Egypt. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang dapat ipag-alala dahil napaghandaan ito ng gobyerno. Ayon kay Valte, sagot ng gobyerno ang lahat ng gastusin mapauwi lamang ang mga kababayang naiipit sa kaguluhan. "Correct, the government shoulders the expenses for repatriation in cases of alert level 4. Yes we have enough to support the repatriation," ani Valte. Una rito, itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Crisis Alert Level 4 sa Egypt. Mismong si Foreign Affairs Sec. Albert F. del Rosario ang nag-abiso nito matapos ang ikalawang beses na pagbisita sa Cairo sa loob ng dalawang linggo para ma-assess ang security situation ng mga kababayan. Sinabi ni Del Rosario na dahil sa lumalalang karahasan, hindi na ligtas para sa mga Pilipino ang manirahan o magtrabaho sa Egypt. - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/18408-pondo-sa-egypt-forced-evacuation-sa-6-000-ofws-sapat#sthash.Qh9QuMLw.dpuf
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 16:54:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015