Sa mga mahal naming kababayan sa Capas, Tarlac: Minabuti po - TopicsExpress



          

Sa mga mahal naming kababayan sa Capas, Tarlac: Minabuti po naming ilathala ang talumpati [Position Paper] ni MAYOR TJ RODRIGUEZ sa public hearing ng Bases Conversion Committee, House of Representatives na naganap nitong Hunyo 9, 2014, gayundin sa kapulungan ng Regional Development Council [RDC] Central Luzon, Sectoral Committee on Economic Development nitong September 16, 2014. Ito po ay upang ipabatid sa lahat ang mga paninindigan at kahilingan ni Mayor Rodriguez, sa ngalan ng mga mamamayan ng Capas, lalung-lalo na ang mga katutubo at mga magsasaka, hinggil sa Crow Valley Gunnery Range project ng Philippine Air Force/ Department of National Defense at ang Green City project ng Bases Conversion Development Authority [BCDA]. -------------------------------------------- The Position of the MUNICIPAL GOVERNMENT of CAPAS, TARLAC on the MILITARY RESERVATION AREAS By: HON. ANTONIO C. RODRIGUEZ JR. Municipal Mayor June 9, 2014 Madame Cinchona Cruz Gonzales, Chair of the Bases Conversion Committee, Honorable Members of this Committee, Distinguished Guests and other Resource Persons, Your Honors. . . Good Afternoon. Likewise, I would like to acknowledge the presence and support of our officials in Tarlac, led by our Hon. Gov. Vic Yap, the Hon. Vice Gov. Kit Cojuangco and the Hon. Board Members,and our Congressmen, the Hon. Enrique M. Cojuangco, the Hon. Susan Yap and the Hon. Noel Villanueva. Also with us is the Hon. Vice Mayor of Capas, Atty. Roseller “Boots” Rodriguez, and the Hon.Members of the Sangguniang Bayan, as well as the Officials of the Affected Barangays of Capas, in whose territorial jurisdictions the proposed projects are located, at lahat ng mga Punong Barangay ng bayan ng Capas. Gusto ko rin pong i acknowledge ang presensya ng grupo ng mga Samahang magbubukid ng Manlapig-Aranguren at Kanilang nasasakupan, Inc. sa pamumuno ni Mister Sonny Baluyot. I would also like to acknowledge the presence of the officials of the Tribung Ugnayan ng mga Katutubong Ayta at Abelling sa Bayan ng Capas (TUA), and the Barangay Officials of Maruglu and Sta. Juliana which are populated by Indigenous People (IP`s), and whose right to stay in their respective territories is respected by Chapter III, Sec. 4 (c), R.A. No. 8371 or the IPRA LAW. The presence of the entire officialdom of the Municipality of Capas, as well as our Provincial and Congressional leaders, clearly emphasizes the significance and importance of this meeting—for at last—we found a neutral venue where we could exchange ideas relative to the projected development of the PAF, the DND and the BCDA in Capas for the good of all concerned. It is with great honor to speak before you today and present our position on the segregation of barangays within the military reservation in our municipality. At the outset, allow us to say that we welcome with open arms the development plans of the PAF, the DND at the Crow Valley Gunnery Range or CVGR, and most especially the Green City Project of the BCDA. But as we welcome these developments, we must see to it that the rights of our inhabitants, most especially our brother AETA`s or IP`s, are not trampled upon, otherwise, the economic gains we achieve will be our moral failure to our people and to the whole world. To fully understand the plight of the affected barangays, let us go back in time in history... Taon pong 1710, nang ipinanganak ang bayan ng capas, nang ang mga misyunaryong Espanyol ay nagtayo ng outpost sa may ilog ng Brgy Cut Cut kung saan naninirahan ang maraming kapatid na katutubo. Ang pangalan ng Capas ay nagmula po o nakuha sa pangalan ng punong Capas-capas, at ito ay isang uri ng puno ng bulak, kaya po ang mga tao dito ay mababait at may malambot at busilak na mga puso. Ang unang barangay ng Capas ay ang barangay Patling o kung tawagin namin ngayon ay barangay O’Donnell na meron kabuuang populasyon ngayon na 16,493. At noong mga taong 1940’s ang sitio Sta. Juliana na dating sitio lang ng Brgy. O’Donnell ay naging barangay na at meron itong 16 na sitios at may kabuuang populasyon na 4,963, tapos sumunod na po ang Brgy Maruglo na meron pong 6 na sitios at may kabuuang papulasyon na 1,897 at Brgy. Bueno na meron 5 sitios at may kabuuang papulasyon na 1,547. Alam po ninyo, ang mga barangay ng Sta. Juliana, Maruglu at Bueno ay 95 to 99% ito ay komunidad ng mga katutubong Ayta at Abelling na kung saan nakasakop ang military reservation at crow valley gunnery range. Tapos sumunod ang mga Barangay Aranguren na may populasyon ngayon na 9,116, Brgy Sta. Lucia na may populasyon 11,540, at ang Brgy. Lawy na may populasyon na 7,594, na kung saan nakasakop naman sa tatlong barangay na ito ang lugar ng green city project ng BCDA. At ang ibat-iba pang mga lugar ng Capas ay naging mga barangay na kaya ang bilang ng barangay ngayon ng Capas ay umabot na ng 20 na may kabuuang populasyon na halos 130,000 na at kung saan mahigit 12,000 ay mga katutubo na pinakamarami sa buong probinsiya ng Tarlac. Taong 1945, sumiklab po ang ikalawang digmaang pandaigdig, kung saan sinakop po ng Japan ang Pilipinas at dito na po nag-umpisa ang kalbaryo ng mga taga Capas... Ang Capas ang ginawang garrison ng mga Hapon dahil dito nagtapos ang infamous Capas Death March kung saan mahigit 30,000 ang bilang ng mga namatay at nailibing dito. Ang sabi po ni Gen. MacArthur I shall return! at malaking pasalamat po ng sambayanang Pilipinas, lalung-lalu na ang mga taga Capas, na napaalis ang mga Hapon at malaya na ang mga taga Capas at nalibre na ang aming lupain... ngunit panandaliang saya lamang pala ito. Taon pong 1947 parang muli pong sinigaw ng mga Amerkano ang I shall return! kung saan nagkaroon ng PHIL-US MILITARY TREATY o military bases agreement kung saan natali po at ginawang reserbasyon ang mahigit na 50% ng aming lupain. The total land area of our municipality is 43,148 hectares, and of these, 23,024 hectares or 53 % are within the military reservation. We are supposed to be blessed with the biggest land area among all the municipalities of Tarlac, and yet, we are one of the smallest. Dapat po kami ay matuwa dahil biniyayaan kaming pinakamalaking sukat ng lupa sa probinsya ng tarlac... kabaliktaran po pala..... isa po pala kami sa pinakamaliit na bayan sa probinsya ng Tarlac. Bakit po namin nasabi ito? Kasi po, mahigit kalahati ng aming lupain ay nasa loob ng military reservation at wala po kaming kontrol sa mga ito mula pa noong 1947 nang lagdaan ang US-RP Military Bases Agreement. Ang lupain po naming taga Capas ay maihahalimbawa namin sa isang masarap at napakalaking cake na nakapatong sa mesa at kami naman ay maihahalimbawa sa isang batang maliit na pinaupo sa lamesa at tinali ang mga kamay dahil bawal tikman o kainin ang cake. Taong 1991, buwan ng Hulyo, panibagong kalbaryo na naman ang dumating sa amin noong pumutok ang Mt. Pinatubo at ang Capas ay isa sa mga dumanas ng pinakamalaking pinsala... sa loob halos dalawang linggo ang araw ay naging mistulang gabi dahil umulan ng ashfall at buhangin. Septyembre 1991, nagdiwang ang ating mga kababayan dahil pinawalang-bisa ng Senado ng Pilipinas ang military bases agreement. Ano po ang ibig sabihin nito? Sa pagpapawalam-bisa ng Military Bases Agreement, ay ganap nang nawala ang kontrol ng militar sa mga reservation areas. Ibig sabihin, maari nang ibalik ang karapatan sa lupa sa mga sibilyan, lalong-lalo na para sa mga barangay at mamamayan na nasa loob ng dating reservation. Pwede na sana naming magamit ang aming lupain at mag imbita ng mga investors. Dahil sa saya sa pagpapawalam-bisa ng Military Bases Agreement, Para ba kami yung batang nagtatatalon na inaalis ang tali sa kamay at pwede nang kainin ang nakahapag na malaki at napakasarap na cake sa lamesa. This should have been an opportune time to segregate barangays Sta. Juliana, and Maruglu and the portions of the territory of the other barangays that are within the reservation. This would have been the chance to correct the historical anomaly that deprived the barangays of their birthright and consigned them into becoming squatters in their own land. Let us bear in mind that the Local Government Code or Republic Act 7160 was enacted on October 1991. At this time, all the barangays of Capas, including Sta. Juliana and Maruglu are already officially listed among the recognized barangays in the country. Wala pa ang RA 7227, wala pa ang BCDA, wala pa ang TRADOC, wala pa ang LAD at wala pa ang SPOW sa bayan naming. andyan na ang mga barangay at sitios na ito. They receive their respective Internal Revenue Allotments or IRA. They have their own elected barangay officials but they are not able to exercise their full powers as bonafide LGUs because they do not have juridical authority over their territory. Tuwang-tuwa po ang mga mamamayan ng Capas at nagbunyi noong ipawalambisa ng Senado ang military bases agreement... ngunit nagkamali po pala kami ng akala... panandalian lamang pala ang pagtatalon, pagbubunyi at saya namin. Akala po namin ay dumating na ang oras na maibabalik na sa amin ang kalayaan at karapatan sa lupa na inalis ng kasunduan sa mga base militar. Ngunit ang masaklap, anim na buwan lang ang nakalipas pagkatapos ipawalangbisa ng Senado ang military bases ageement... isang dilubyo na naman ang dumating sa amin. Taon 1992, a-trese ng Marso, barely six [6] months after the termination of the military bases agreement, RA 7227 or the Bases Conversion and Development Act of 1992 was enacted into law. By virtue of RA 7227, the Bases Conversion Development Authority was given ownership and direct control of all the lands comprising the former US military bases. Again, the barangays and the people of western Capas were made unwilling prisoners in their own land by virtue of legislative fiat. Muli po kaming ginawang mistulang mga bilanggo sa aming lupain. Nasayang ang isang napakainam na pagkakataon para sana mahiwalay na ang mga barangay sa military reservation nang sa gayon mapanumbalik ang kalayaan at karapatan sa lupa na inalis sa kanila noong pang 1947. Ang tanong po ay ganito: kinunsulta ba ang mga mamamayan ng mga nasabing barangay kung payag sila sa nilalaman ng RA 7227? Narito sila ngayon at tahasang magsasabi na hindi kailanman hiniling ang kanilang opinyon, pagtutol o pagsang-ayon noong gawing batas ang RA 7227. Hindi po narinig ang kanilang boses nang linangin ang batas at ni hindi sila nakapag-ambag ng kahit PERIOD O COMMA man lang sa batas na hindi kumilala sa kanilang karapatan. Sasabihin din po nila na ito ay minadali dahil halos anim [6] na buwan lamang ang ginugol sa pag-apruba ng isang batas na muling magbubulid sa kanila na maging bilanggo sa kanilang sariling lupain. Mabilis pala ang riles na dinaanan ng batas na ito. Marami po ang mga nagtatanong kung ano ang ginawa ng mga nanunungkulan sa aming bayan noon? Bakit pinabayaang lumala ng ganito ang sitwasyon? It is our humble opinion that RA 7227 was passed in indecent haste without consultation and the consent of thousands of constituents, especially the indigenous people who are directly affected by this piece of legislation. We contend that RA 7227 runs contrary to, and disregarded the Local Government Code because it was never intended to strengthen the local government units inside the reservation, but to obliterate and destroy them. Ano po ang nagyari sa bayan ng Capas, matapos maisabatas ang RA 7227? Ang Capas ay naging miembro o kabilang sa Clark Special Economic Zone o eco-zone, kasama ang mga bayan ng Mabalacat, Porac, Bamban at ang Angeles City, kasabay ng pangakong uunlad ang ekonomya ng aming bayan dahil kabilang kami sa eco-zone. Mula taong 1992 hanggang taong 2010 sa loob ng labing-walong taon, ang total share na nakuha Bayan ng Capas bilang miyembro ng CSEZ at under sa BCDA na may napakalaking sukat na 23,000 hektarya ay halos 31 million lang ang benepisyong nakuha, kumpara sa mga lugar tulad ng CALABARZON na may maliit na sukat lamang na 12,000 hektarya na ilampung bilyung pisong investments na ang pumasok at kinita ng kanilang mga bayan. Mula 1992 hanggang ngayon, o sa 22 taon na lumipas, walang pag-unlad o development na nangyari sa aming bahagi ng eco-zone sa kabila ng napakayaman ng lugar na ito at napakalaki ng potensyal para sa ibat-ibang klase ng kabuhayan at negosyo. Sabagay hindi lang po pala 22 taon ang nakalipas, magmula pa po pala nuong 1947 na nasa ilalim ng control ng militar ang 23,000 hectaryang aming lupain, heto po ang katanungan: Ano na ang naging pakinabang at benepisyo sa ekonomya ng Capas? Ang nakakalungkot pong sagot ay WALA!!! The Municipality of Capas not only lost the opportunity to develop these areas for the general welfare of its inhabitants, but, it likewise lost the right to collect the taxes due to thereon!!! Aside from the problems and difficulties we have already mentioned, we are also victimized by the following strategic development concerns: • Specific government programs are effectively barred from being implemented in the communities. Ex. Construction of new public schools by the Department of Education is hampered because of the lack of titles of the school sites Isipin nyo mismong DEP-Ed na kapwa gobyerno ayaw ng magtayo ng mga bagong classrooms sa mga 12 public schools sa loob ng military reservation, na kung saan marami na nagtapos dito magmula pa 1940s at 1960s up to present, na dahil sa sinasabing ito daw ay mga sakop ng military reservation at walang titulo ang mga school sites. At inuulit ko po wala pa ang RA 7227 at PP 163 ng mga panahon na yon, Madam Chair. • Construction of buildings, houses and other permanent structures, both public and private is controlled, thus, there is no leeway for local business and infrastructure development • Local chief executives and legislative councils cannot exercise their full authority to develop their resources and provide all possible social services as embodied in the Local Government Code. • LGUs and the private sector cannot embark in long-term development planning for the communities and the people Napag-iwanan na nang husto ang aming bayan. Iisa lamang ang negosyong naitayo sa aming bayan: Ang dambuhalang basurahan na kung tawagi’y SANITARY LANDFILL FACILITY. Dahil sa kabaitan ng mga Capaseno at sa kanilang napakaraming pangako sa mga katutubo at lahat ng mamamayan na uunlad ang kabuhayan at ipagagawa ang bakubakung daan---kaya pinayagan ang pagtatayo ng proyekto. Ginawa kaming tambakan ng basura na mula sa Metro Manila at halos lahat ng mga syudad at bayan sa Central at Northern Luzon. Heto na naman po--- isang unos na naman ang dumating sa aming bayan... Lumala ang sitwasyon nang ipasa ang Republic Act 9400 noong Marso 20, 2007 bilang pag-amyenda sa RA 7227. Ang dating maliit na share ng Capas sa CSEZ ay lalu pang lumiit ng ipasa ang RA 9400. Ano nanaman ang nangyari sa mga nanunungkulan sa aming bayan? bakit pinayagan na maaragabyado na naman ang ating bayan? Bakit pinabayaan mapunta ang halos lahat ng kita sa Mabalacat, Angeles at Porac? Konti na lang nga ang aming pakinabang hinayaan pang mabigay sa ibang bayan? Itinakda ng RA 9400 na ang share ng munisipyong kabilang sa ecozone ay nakabase na lang sa 2% Tax on Gross Income Earned [TGIE] ng mga kumpanyang nakatayo sa sinasakupan ng miembrong bayan. Iisa na nga lang ang naitayong negosyo sa aming bayan, ayaw pa nitong sumunod sa batas at ang buwis na dapat mapunta sa Capas mula sa landfill ay ibinigay sa Mabalacat. Kung hindi pa namin ipinaglaban pag-upo ko sa aking unang termino bilang Mayor, na sumunod sa batas ang landfill at magbayad sa Capas, ay hindi pa sana sila magbabayad sa aming bayan athangga ngayon ay may utang pa sa aming bayan. Nakatayo sa aming bayan ang dalawang malalaking kampo ng Philippine Army: ang Training and Doctrine Command o TRADOC at ang 3rdMechanized Infantry Division na dating Light Armor Division na may kabuuang sukat na 370 ektarya at ang Special Operations Wing o SPOW naman ng Philippine Airforce ay may sukat 17,847 ektarya. Noong itinayo ng militar ang mga kampo ng ARMY sa Capas maraming mga bahay ang nakatirik at mga magsasakang nagmamay-ari dito bago pa dumating ang mga Hapon, subalit pinaalis sila na wala ni kahit singkong duling na tulong binigay na galing sa gobyerno. Ang tanong po ng mga magsasaka: - Bakit pinapaalis kami dito sa sarili naming lupa? at mismong gobyerno pa at militar ang nagtataboy sa amin? - Bakit ang mga iskwater sa Manila gumagastos ng milyun-milyon ang gobyerno at binibigyan ng pabahay at livelihood program ang mga ito, kami ay wala. - Bakit ang gobyerno ay may programang balik probinsya sa mga iskwater sa Manila at binibigyan nilang pangkabuhayang sasakahang lupa? - Kami ay nandito na sa probinsya disenteng namumuhay, di umaasa sa gobyerno, bakit pinaalis kami na kahit singkong duling walang tinulong sa amin? - Gusto ba nila mag iskwat muna kami sa Manila para ibalik at mabigyan kaming lupa sa probinsya at bigyan ng tulong? Ngayon masisisi ba natin ang mga magsasaka?, Ang mga nanininirahan sa may sakop ng BCDA kung magdududa muna sila bago maniwala? Even today, the Philippine Air Force has proven to be a burden and has been a cause of many problems to the residents and inhabitants of Brgy. Sta. Juliana and Maruglo. Despite the fact that these barangays have been in existence since time immemorial, nandito na po ang mga tao dito panahon pa ng Kastila,with a set of barangay officials duly recognized by the National Government, and given their share of the Internal Revenue Allotment, they do not enjoy full autonomy all because they are located within the Military Bases. Upon my assumption to office in 2010, I have requested the segregation not only of these two (2) barangays but the five (5) others that are partially located within the Military Reservation, covering 1,924 hectares namely: Bueno, O`Donnell, Sta. Lucia, Aranguren and Lawy, My purpose is to give these barangays full autonomy and for our people to secure titles to the home-land they respectively occupy. Hanggang ngayon po naghihintay pa kami ng kasagutan. The residents of Barangays Sta. Juliana and Maruglo are prohibited by the PAF to bring construction materials to their respective places for the purpose of repairing or constructing their houses—for what specific reason—only the PAF knows! And notwithstanding the intercession and representation of Local Government Officials of Capas, the PAF refuses and continues to refuse to this day! Minsan, isang katutubo ang nagbaba ng kalakal na mga kamote at puso ng saging para ibenta sa kabayanan, pag-uwi nya may dala siyang tatlong supot lang na semyento, limampung hollow blocks at sawali na gagamitin sanang pang-kumpuni ng nasirang bahay dahil sa bagyong SANTI. Pero pagdating po sa checkpoint ayaw po siyang papasukin pabalik sa sitio ng katutubo. Nagtaka at nagtanong ang katutubo... Bakit ayaw mo akong papasukin kuya? Ang sagot ng bantay sa checkpoint... Pumapasok ka sa pagaaring lupa ng Philippine Air Force at bawal ang magdala ng mga construction materials sa loob ng aming nasasakupan. Muling nagtaka at nagtanong ang katutubo....Sa inyo ang lupa? Kaninang umaga galing ako dyan at dyan ako nakatira… ngayong bumalik ako sa inyo na lupa? We condemn the stringent militarization that prey on the rights of the minorities whose concern is merely to be left alone and pursue their lawful activities, Madam Chair. Let us take note that all the sixteen [16] sitios of Barangay Sta. Juliana, the six [6] sitios of Barangay Maruglu and the five [5] sitios of Barangay Bueno are all Aeta tribal communities, with their own indigenous political structures existing within the purview of the Local Government Code and the IPRA LAW [RA 8371. There are two [2] Certificates of Ancestral Domain claims in capas, namely, the Aeta Sambal and Abellen (14,906 hectares) and the Aeta Mag-Antsi (11,445 hectares), of which more than 12,000 hectares overlaps the military reservation. Moreover, the plan of the PAF to modernize the Crow Valley Gunnery Range (CVGR), and to relocate the residents of Brgy. Sta. Juliana and Maruglo to a safer ground, is highly suspicious and questionable—on at least two grounds: 1. Both barangays are populated by AETA`s or IP`s. The right of IP`s to remain in their territory is protected by Chapter III, Sec. 4 (c), R.A. No. 8371. They cannot be relocated without their FREE AND PRIOR INFORMED CONSENT nor through any means other than eminent domain. 2. . In contrast to the projected relocation of the residents and inhabitants of Brgy. Maruglo to a safer ground, the PAF is currently constructing multi-storey concrete buildingsat Brgy. Maruglo—a plain and simpletake-over of Maruglo by personnel of the PAF at the expense of the IP`s! And now, the current and planned development of PAF and the DND: We ask, what is in store for Capas? Again, the answer is nothing. And why do we say this? It is because the PAF & the DND are too silent and evasive! and refuse to be part of our community. We simply cannot allow the situation to continue as is—Madam Chair. The Municipality of Capas must benefit from these developments—if not in taxes but in kind such, as the construction of Local Government Facilities. To date, we have not yet received a copy of the NEDA-approved plan that we have requested from the BCDA. Nakakalungkot pong isipin na hanggang sa ngayon, dalawang taon matapos makipag-usap at humingi ng pahintulot ang mga tauhan ng BCDA na mag-survey, ay wala pa kaming alam sa kanilang plano o polisiya tungkol sa mga lupaing maapektuhan ng Green City Project na kanilang iwinawagayway sa taong bayan. Hangga sa ngayon, kaming mga nanunungkulan ay walang malinaw na maisagot sa mga tanong ng mga magsasaka, katutubo at iba pang mamamayang apektado ng proyekto. Naghihintay at nagtatanong po ang mga mamamayan na nagsasabing sila ang tunay na may-ari ng mga lupa dahil mula sa kanilang kanununuan sila ang naglinis sa gubat, naglinang sa lupa hanggang ito ay naging produktibo at napagkukunan ng kayamanan sa kasalukuyan. FINAL ARGUMENTS AND PROPOSALS Bilang balik-tanaw sa ating kasaysayan, Madam Chair, it is clear that no foreign or local power was able to uproot the indigenous people and the rest of the residents in western Capas. Hindi po naitaboy ng mga Kastila, o ng mga Hapon o kahit na ng mga Amerikano ang mga katutubo at mamamayan ng western Capas. Kung ang mga Amerikano po ay natakot at umalis nang pumutok ang Mt. Pinatubo, kami po ay hindi natakot at nananatili kami sa aming minamahal na lupain. Binungkal naming muli ito sa pagkatabon ng makapal na lahar at muling pinagyaman upang angkinin at pakinabangan lamang ng PAF. Kaya napakahirap pong isipin na sa ngayong modernong panahon ay mangyayari ang isang bagay na matagal na naming nilabanan at pinagtagumpayan na kapwa Pilipino o gobyerno pa ang magiging siyang may kagagawan. To come to a win-win solution and avert possible social unrest, we respectfully request for the following: 1. Support for the approval of the segregation of the 1,924 hectares comprising the barangay sites and portions thereof within the military reservation 2. Transparency on the part of implementing agencies and make public the Development Plans for the projects 3. Particularly on the BCDA/GREEN CITY PROJECT, we would like to be assured that the rights and welfare of the indigenous peoples, farmers and residents affected by the project are protected. 4. Particularly on the Crow Valley Gunnery Range Development Plan: Respect for the rights of the indigenous peoples Assimilation of the affected barangays through segregation and not dislocation Permanent lifting of the prohibition on the entry of construction materials inside the CVGR We would like to stress and make it clear that we are only fighting for the future of our people and for the full development of our LGUs, as mandated by law, and not for any partisan or vested interests. Our people are restless and deeply disturbed by the uncertainty of their predicament. Hindi na po makatulog ng mahimbing ang mga mamamayan ng Capas dahilsa kanilang pag-aalala sa kung anong posibleng mangyari sa kanilang mga pamilya at mga komunidad. Mr. Chairman,: On behalf of the townspeople of Capas, we would like to express our profound thanks and appreciation for the very rare opportunity of giving us the privilege to ventilate our heartaches and grievances before this Committee this afternoon. With your intercession, we still believe that there is still a ray of light at the end of the dark tunnel that has confronted us for so many years. We believe that ours is a government of laws and not of men. Much less a government controlled by the military. Civilian Supremacy must reign at all times because Power emanates from the people who gave us the mandate to serve them. Isa pong malaking karangalan na nabigyan kami ng pagkakataong magpaliwanag. Marami pong salamat!
Posted on: Wed, 24 Sep 2014 02:14:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015