Sagot sa tanong ni MARICRIS GROBADOR kung ang kapitan nila sa - TopicsExpress



          

Sagot sa tanong ni MARICRIS GROBADOR kung ang kapitan nila sa SANTOL, MAUBAN, QUEZON ay kasali sa listahan ng DILG sa mga naka 3 terms na bilang barangay kapitan at hindi na pwedeng tumakbo muli sa Oct 28 barangay elections. Ang sagot ay HINDI pa siya 3rd-termer, base sa listahan ng DILG, wala ang pangalan ng barangay kapitan ng SANTOL. Pwede pa siyang kumandidato kung gusto niya. Kung sakaling ang pangalan niya ay nasa listahan at pipilitin pa rin niyang tumakbo at mag-file ng kaniyang certificate of candidacy, hindi siya automatic na madi-disqualify. Kailangang may maisampang kaso ng disqualification laban sa kaniya. Kung iboboto siya ng tao at madi-disqualify rin pala, sayang lang ang boto. Ayon sa batas, ang mga 3rd termers ay hindi na dapat tumakbo sa Oct 28 2013 barangay elections. Para mas maliwanag... upang ma-disqualify ang isang kandidato sa pagtakbo sa eleksyon sa ilalim ng “three – term” rule, dapat mayroong dalawang kondisyon: 1. Ang lokal na opisyal ay nahalal nang tatlong magkakasunod na termino sa parehong posisyon; at 2. Napagsilbihan niya ng buo ang tatlong magkakasunod na termino. In English, to constitute a disqualification to run for an elective local office pursuant to constitutional and statutory provisions, the following requisites must concur: (1) that the official concerned has been elected for three consecutive terms in the same local government post; and (2) that he has fully served three consecutive terms. In other words, 1. Nahalal sa tatlong magkakasunod na eleksyon sa parehong posisyon 2. Nabuo niya ang pagsisilbi sa bawat termino
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 07:34:09 +0000

Trending Topics



s
Lucas 7 - 1. E, DEPOIS de concluir todos estes discursos perante
PLEASE READ THIS - 419 Scams You Shouldn’t Fall For Nowadays,
The Gingerbread Room is open for all the kids to enjoy! They can
Ahora si toda la bola de fanfarrones, que ponen Jotawita, ruta,

Recently Viewed Topics




© 2015