Sakit na MERS binabantayan ng DOH (ABANTE) Pinawi ng - TopicsExpress



          

Sakit na MERS binabantayan ng DOH (ABANTE) Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko laban sa bagong virus na Middle East Respiratory Syndrome (MERS) kasunod na rin ng naiulat na dalawang panibagong kaso ng nasawi sa naturang sakit sa Saudi Arabia. Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, patuloy na naka-monitor ang kagawaran sa MERS kung saan nakalatag pa rin umano ang precautionary measures sa mga paliparan para tiyakin ang mahigpit na screening sa mga pasaherong galing sa ibang bansa. Sinabi pa ni Tayag na sa ngayon ay patuloy ang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) ukol sa bagong virus na kahalintulad ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). Sa report ng WHO, bumuo na ito ng emergency committee na kinabibilangan ng mga international experts. Layon umano nito na lubos na maging handa sakaling lumala ang sakit. Paglilinaw pa ng WHO na walang dapat ikatakot dahil wala pang emergency at hindi pa pandemic ang MERS. Gayunpaman, seryoso umano nilang kinokonsidera ang pagtaas ng kaso nito sa Saudi Arabia at Middle East countries. Samantala, sa report na natanggap ng WHO mula sa Saudi Arabia Health Ministry ay dalawa pa ang nasawi sa MERS, ang isa ay 2-taong gulang na bata mula sa Jeddah at 53-anyos mula sa Eastern Province ng Saudi Arabia. Sa kabuuan ay 38 na ang nasawi sa nasabing virus sa naturang bansa habang mayroon pang 65 biktima na kasalukuyang mino-monitor matapos makumpirmang positibo rito. Ang MERS ay maihahalintulad sa SARS dahil sa parehas na sintomas gaya ng lagnat, pag-ubo, pagkakaroon ng pneumonia at rashes. Posted BY: Mocha
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 02:09:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015