Share ko lng itong balitang nabasa ko... Share your - TopicsExpress



          

Share ko lng itong balitang nabasa ko... Share your opinion.. FORBES MANSION KINUHA NG BIR Ni Boyet Jadulco/Bernard Taguinod/Tina Mendoza Hawak na ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang P388 milyong halaga ng mansyon ni boxing icon at Sarangani Rep. Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa Forbes Park, Makati City hangga’t hindi nito binabayaran ang P2.2 bilyong utang na buwis sa gobyerno. Isinailalim na sa “lien” ng BIR ang nasabing property, ibig sabihin nito ay may “legal claim” ang ahensya sa nasabing ari-arian hanggang sa makabayad na ng atraso sa BIR ang eight-division world champion. Nilinaw naman ni BIR Commissioner Kim Henares sa interview ng ABS-CBN News Channel na maaaring paupahan o ibenta ni Pacquiao ang property, pero dapat maging alerto ang makakabili nito dahil may ‘lien’ ang mansyon. Nabili umano ni Pacquiao ang nasabing property sa halagang P388 milyon sa North Forbes Park noong 2011. Bukod sa paghawak sa property ni Pacman, inipit na rin ng BIR ang pera ng fighting congressman sa dalawang bangko sa halagang P1.1 milyon, pero itinatwa ito ni Pacquiao sa pagsasabing naka-freeze na ang kanyang account sa 22 bangko, kabilang na ang account ng misis nitong si Jinkee. Hinahabol ng BIR si Pacquiao sa P2.2 bilyong buwis, kabilang na dito ang surcharges at interest, mula sa hindi nito nabayarang buwis noong 2008 hanggang 2009. Ikinagulat naman ng abogado ni Pacquiao ang rebelasyon ni Henares na isinailalim na ng BIR sa ‘lien’ ang property ng kongresista sa Forbes Park. “Hindi namin alam ‘yan, actually ikaw ‘yung pangalawang nagsabi sa akin niyan,” wika ni Atty. Tranquil Salvador III sa panayam ng Abante. Tiniyak ni Salvador na lalabanan nila sa korte ang ipinataw na ‘lien’ sa property ni Pacquiao sa Forbes Park. Mommy D, hinahabol din ng BIR? Matapos ipitin ang Pambansang Kamao, ang ina naman nitong si Dionisia ang hinahabol ng taxmen. Ibinulgar ni Mommy Dionisia na hindi lang ang kanyang anak ang hinahabol ng BIR, dahil pati siya ay sinulatan umano at pinagbabayad dahil sa kinita sa TV commercial at pelikula. Kuwento pa niya, nagtungo raw minsan sa kanilang bahay ang mga kawani ng BIR subalit pinaalis niya ang mga ito matapos ibigay sa kanya ang “bad news”. Aabot daw sa P10 milyon sa kanyang pagkakaalam ang sinisingil ng BIR kaya labis ang kanyang pagtataka dahil sa mas malaki pa ito sa kinita sa komersyal at pelikula. Sabi ni Mommy D, umabot lang daw sa P600,000 ang talent fee nito sa pelikulang “Ang Tanging Pamilya” na pinagbidahan nina comedy queen Ai Ai delas Alas at dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada. Palasyo kay Pacquiao: Sumunod ka sa batas! “Sumunod ka sa batas.” Ganito ang mensahe kahapon ng Palasyo ng Malacañang kay Pacquiao kaugnay ng pagpapa-freeze ng Court of Tax Appeals (CTA) sa mga bank account nito. Sa isang statement, sinabi ni Presidential Communication Operation Office (PCOO) Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., na sinusunod lamang ng BIR ang kanilang mandato na habulin ang mga taong pinaghihinalaang hindi nagbabayad ng tamang buwis. Kinasuhan ng BIR si Pacquiao ng tax evasion case dahil hindi umano nagbayad ng buwis ang Pambansang Kamao sa kinita nito sa kanyang laban sa Amerika mula 2008 hanggang 2009. Itinanggi ng kampo ni Pacquiao na hindi ito nakapagbayad ng buwis sa Amerika at isinumite na umano ng kanyang mga abogado ang kopya ng binayarang buwis nabanggit na bansa subalit itinuloy ng BIR ang kaso. “As a public official, it will be well for him to demonstrate that he, too, is a law-abiding citizen,” ani Coloma kaya isumite na lamang ni Pacquiao ang mga dokumentong kailangan. CTA nagpaliwanag Nilinaw naman kahapon ng CTA na walang nakabinbing tax evasion case sa kanila si boxing champ Pacquiao bagkus isang civil case laban sa BIR ang kanilang dinidinig. Una nang itinanggi ng CTA na sila ang nagpalabas ng freeze order laban sa bank accounts ng mag-asawang Manny at Jinkee bagkus ang BIR. Ipinaliwanag ni CTA First Division Clerk of Court Margaret Guzman na ang dinidinig na kaso ng CTA ay may kaugnayan sa inihaing petisyon ni Pacquiao ukol sa paghahabol ng BIR sa tax liability nito na inihain noong Agosto 2013 subalit hindi pa umano ito nadidinig dahil na rin sa inuuna nilang desisyunan ang inihain nitong mosyon noong Oktubre 18. joy
Posted on: Thu, 28 Nov 2013 04:22:22 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015