TIPS SA PAGPAPA-PAYAT Sinong nagsabing sa gym ka lang pwedeng - TopicsExpress



          

TIPS SA PAGPAPA-PAYAT Sinong nagsabing sa gym ka lang pwedeng pumayat o sumeksi? alam niyo bang kahit sa loob ng inyong tahanan eh maaari ka ring makapgburn ng inyong fats sa mga simpleng gawain sa loob ng inyong tahanan?? simulan sa : MAGLIGPIT NG IYONG HIGAAN. Alam ninyo bang 130 calories na ang iyong kayang sunugin sa pamamagitan pa lang ng pag-aayos ng inyong higaan? Katumbas ito ng 15 minutes na pagte-treadmill sa gym. MAGLINIG NG BANYO. 200 calories naman ang kaya mong sunugin sa pagscrub ng sahig, tiles, toilet bowl at bath tub sa loob ng inyong banyo. MAGLINIS NG BINTANA. 125 calories ang kayang masunog sa pagpapakintab pa lang ng inyong bintana. Kayang-kaya mong mabawasan ang iyong taba. MAGHUGAS NG PLATO. Sa paraang ito tiyak na 160 calories na ang kayang masunog. Kaya’t huwag lang kain ng kain, at huwag katamaran ang paghuhugas ng pinggan. GUMAMIT NG WALIS AT PANDAKOT SA PAGLILINIS. Kaya nitong tanggalin ang 90 calories sa iyong katawan kung gagawin mo ito araw-araw. Katumbas iyon ng pagki-kick boxing ng 15 minutos. Sa paglilinis ng bahay at pagdakot ng mga alikabok, kaya mong magsunog ng 50 calories sa iyong katawan. PAMAMALANTSA Kaya mong magsunog ng 70 calories kapag ikaw ay namamalansta. Kung nais mong magpapayat ay huwag ka ng magbayad pa sa mga laundry and ironing shop para gawin ito. Ikaw na mismo ang gumawa, bukod sa matipid na, pwede ka pang makapagbawas ng timbang sa pamamagitan nito. Higit syempre pa kailangan mo lang i-enjoy ang mga gawaing bahay na ito. Isipin mo na lang ang hatid na benepisyo nito hindi lang sa kalinisan ng inyong tahanan kundi pa rin sa ikagaganda ng iyong pangangatawan. Anu pang hinihintay mo katoto? linis na. Abangan ang iba pang mga tipsa MOR Chillax with your Mama Angge :)
Posted on: Tue, 06 Aug 2013 03:40:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015