Taga Mindanao todo pasasalamat sa Bombo Radyo Iloilo KIDAPAWAN - TopicsExpress



          

Taga Mindanao todo pasasalamat sa Bombo Radyo Iloilo KIDAPAWAN CITY-Todo pasasalamat ngayon ang mga turista mula sa Mindanao sa Bombo Radyo Iloilo dahil sa ginawa nitong tulong para silay mailigtas sa tatlong oras na palutang lutang sa karagatan ng Islas de Gigantes sa bayan ng Carles sa lalawigan ng Iloilo. Ayon kay Wella Dela Cerna Station Manager ng 104.1 FM Wow Radio Sa North Cotabato na nagsagawa sila ng Island Hopping sa Islas de Gigantes kasama ang kanyang apat na mga ka-batchmate sa Notre Dame University sa Cotabato City. Pabalik na sila sa Port of Estancia Iloilo ng masiraan ang kanilang sinakyan na bangkang de motor sa gitna ng karagatan sa pagitan ng isla Balbagon at Talun-an sa Isla de Gigantes. Dinagdag ni Dela Cerna na sumigaw at kumaway sila sa ibang Bangka na dumaan malapit sa kanila ngunit di sila pinansin. Walang dalang 2-way radio at cellphone ang operator ng Bangka at kasamahan nito para makatawag sa Philippine Coust Guard (PCG) sa Port of Estancia Iloilo o kaya sa LGU Carles. “Tatlong oras kaming palutang-lutang sa dagat,kaya una kung tinawagan para humingi ng tulong si Bombo Garry Fuerzas ng Bombo Radyo/Star Fm Cotabato na siya namang tumawag kaya Bombo Eddiemar ng Bombo Radyo Iloilo na syang gumawa ng paraan para matawagan ang Philippine Coust Guard sa Iloilo City ”paglilinaw ni Dela Cerna. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang Philiipine Coust Guard at nailigtas ang mga biktima,kasama ang isang tour guide at dalawang pahenante ng Miazul Boat. Binatikos naman ni Dela Cerna ang LGU Carles at Municipal Tourism Council sa kapabayaan nito sa mga turista sa Islas de Gigantes lalo na sa mga bangkang ginagamit nila na walang dalang 2 way radio at cellphone na magagamit nila kung magkaroon ng sakuna sa gitna ng karagatan. Taos pusong nagpapasalamat si Dela Cerna sa Bombo Radyo at Philippine Coust Guard na agad tumulong para silay mailigtas.(Bombo Garry Fuerzas)
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 01:45:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015