Tamaraw month ipagdiriwang ng Oktubre sa Mindoro SAN JOSE, - TopicsExpress



          

Tamaraw month ipagdiriwang ng Oktubre sa Mindoro SAN JOSE, Occidental Mindoro, Set 23 (PIA) -- Nakatakdang ipagdiwang ang Tamaraw Conservation Month sa buwan ng Oktubre sa Mindoro. Ayon kay Rodel M. Boyles, Protected Area superintendent ng Mount Iglit-Baco National Park at kasalukuyang Tamaraw Conservation Program (TCP) coordinator, ang pagdiriwang na ito ay ayon sa Presidential Proclamation 273 kung saan nakasaad ang taunang pagsasagawa ng Tamaraw month sa dalawang lalawigan sa isla ng Mindoro. Batay sa Presidential Proclamation 273, dinedeklara ang Oktubre bilang "Special Month for the Conservation and Protection of Tamaraw" at naipasa ito noong October 2002. Nakasaad din dito na ang mga probinsya ng Occidental at Oriental Mindoro ay mangunguna sa pagsasagawa ng mga aktibidades na may kinalaman sa pagpapalaganap ng impormasyon para proteksyonan at pangalagaan ang Tamaraw,” dagdag pa ni Boyles. Sinimulan ang mga pagpupulong hinggil sa selebrasyon noon pa lamang Hunyo kung saan dumalo ang mga representate mula sa dalawang lalawigan ng Mindoro, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Coastal Zone Management Service at iba pang katuwang sa pasasagawa ng plano sa Tamaraw Month. Dito ay muling binalikan ang mga nagdaang selebrasyon at pinili ang ilang mga aktibidades na maaring pang muling gawin ngayong taon. Isa sa mga nasimulan na ay ang "theme-making contest" para sa lahat ng high school students mula sa Occidental at Oriental Mindoro division at ang Calapan division. “Pumili ng top five themes ang komite na nakatalaga sa theme making contest noong Agosto 2. Ang mga napiling ito ay awtomatikong nanalo ng P1,000 at school recognition. Mula sa limang napili kukunin ang gagawing opisyal na tema ng Tamaraw Month Celebration at tatanggap ito ng P10,000.00 at school recognition,” ayon kay Ma. Isabel Castillo, Senior Tourism Operation officer ng Occidental Mindoro. Binigyan ng pagkakataon ang mga mamayan ng dalawang lalawigan na makasali sa pagpili ng mananalong tema sa pamamagitan ng pagsali sa Facebook (FB) Online Voting. Tanging mga mamayan ng isla ng Mindoro na may FB account at kasali sa FB group na Bubalus Mindorensis ang nakaboto dito. Ang desisyon ng komite para sa nanalong tema ay ibinase sa 50 porsiyentong committee decision at 50 porsiyentong online voting. Samantala ang P10,000 ang premyong mapapanalunan na galing sa pondo ng TCP at Rorary Club of Mamburao. Nakapaloob sa bawat kasaling tema ang pakikiisa ng lahat ng mamayan at pagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga sa Tamaraw. (LBR/VND/PIA4B/OccMin)
Posted on: Mon, 23 Sep 2013 06:31:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015