VAGZ DAILY HOROSCOPE BY MADAM ROSA PAGTITIBAY:ANG PAG IBIG NG - TopicsExpress



          

VAGZ DAILY HOROSCOPE BY MADAM ROSA PAGTITIBAY:ANG PAG IBIG NG DIYOS AY NAGPAPATATAG. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Magiging suliranin para sa iyo ang isang ka ibigan. Pinansyal o pag-ibig ang siyang ilalapit o ihihingi ng tulong mula sa iyo. Kung may tiwala sa sariling kakayahan walang dahilan na hindi makakakita ng magandang paraan sa pag-aayos ng gusot. Ang paggawa sa loob at kapaligiran ng tahanan ay mahalaga ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 32, 40 at emerald green. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Isang malapit na kamag-anak ang tatawag o lalapit para humingi ng tulong. Isang pagsubok ang magaganap na kakailanganin ang karunungan, talino at pag-iingat. Ang suliraning pampamilya ay madaling ma lulutas. Maayos ang magiging takbo ng gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 13, 27, 41 at violet. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Masaya ang romansa. Isang mapalad na transaksiyon ang mabubuo. Huwag patangay sa bugso ng damdamin. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa mga kasambahay. Iwasan na mapikon sa panunukso ng ilang kaibigan. Madaling matutugunan ang suliranin kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 27, 35, 37, at corn yellow. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Pag-ukulan ng pansin ang lumalabong samahan sa kasambahay o katrabaho. Makakaasa sa tapat na kaibigan, na handang tumulong. Maging maingat sa kilos at pananalita ng hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Ang pakikisalamuhang sosyal ay magiging masaya kung may dadaluhan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 35, 38 at yellow. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Higit na magugustuhan ang pamamalagi sa tahanan. Huwag mangako dahil hindi matutupad. Bigyang halaga ang panig ng iba. Kasaganahan ang hatid ng araw kung iiwasan ang magalit. Makakamit ang hangarin kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 16, 33 at blue.PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) —Huwag patagalin ang bagay na gustong sabihin dahil ito ay magbibigay ng suliranin sa kalaunan. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang maging magagalitin. Magkakaroon ng malakas na disiplina sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 35, 40, 42 at gold yellow. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Iwasan ang ma ging emosyonal sapagkat sisirain ang magandang suwerte mo ngayon. Maging mahinahon at iwasan ang ma ging magagalitin. Makakatulong ang ilang mga tapat na kaibigan sa anumang kailangan. Iwasan ang manghiram at magpahiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 7, 26, 31, 40 at ruby red. AQUARIUS (Enero 20 - Peb rero 18) — Matutupad at ma ibibigay ang matagal nang naipangako. Iwasan ang gumawa ng bagay na ikasasakit ng damdamin ng iba. Nakasentro ang mga pangyayari sa personal na gawain. May pakinabang sa pinansyal ang dadaluhang sosyalan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 24, 34 at Chinese blue. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Magiging taliwas sa inaasahan ang mga pangyayaring magaganap. Iwasan ang drama na magiging emosyonal sa pagtupad ng gawain. Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin o tawad. Mala lantad ang magandang pagkakataon sa hinahangad. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 39 at jade green. ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Paghandaan at huwag paalpasin ang magandang pagkakataong darating. May ibubunga na tagumpay ang kasalukuyang ginagawa. Ang pakikisalamuhang sosyal ay mag-iiwan ng karanasan na hindi makakalimutan. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 26, 39 at sun yellow. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Mag-ingat sa anumang ginagawa. Maaaring magbunga ng pagkakamali ang pagkamalimutin. Iwasan ang tukso sa karangyaan. Ang hinihintay at pinananabikang balita ay malamang darating. May hindi sukat akalain na mangyayari ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 22, 40, 41 at purple. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Mula sa pagkakamali ay aral para hindi na maulit ang nagawa. Ang karanasan ay mabisang guro sa pagtuwid ng pagkakamaling nagawa. Sikapin na maging maagap sa pagtupad sa gawain. Uga liin ang mag-ipon para sa magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 31, 38 at peach.
Posted on: Mon, 15 Jul 2013 05:54:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015