Wala Pang pamagat. Patawad sa bayan ko. gumawa po ako ng basurang - TopicsExpress



          

Wala Pang pamagat. Patawad sa bayan ko. gumawa po ako ng basurang tulad nito. Wala Pang Pamagat Ako: Kamuzta ka! Siya: good morning kuya. Ako po ba ‘yung kinakamusta mo po kagabi? Hahaha. Sorry late reply. Ako: Ah! Gm un! (para sa’yo talaga ‘yun) Siya: Ahh. Akala ko po wrong sent. Ako: Namizs kaya kita. (sobra. Gabi-gabi kitang iniisip.) Siya: Weh? Haha. Ako: Oo! Haha! Siya: Ayy makiki-meet up ka po kila kuya mark para sa minibook? Ako: Ahm! D ko na cla masyado inaalala! Cla Tam lang! Siya: Ahh sasabay po sana ako kila kuya mark. (hindi ba pwede tayong dalawa lang? ‘Yung makasama kita. ‘Yung atin lang dalawa ang mundo. ‘Yung satin ang bawat sandali.) Ako: Maganda kung solo kita. (I mean it.) Siya: Hahahaha, solo? Ayaw. (ahw! Ang sakit.) Ako: Syempre special ka kaya dapat solo! (Sobra. Kasi ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Hiniram ko lang ‘yung linya pero ito talaga ang nararamadaman ng puso ko.) Siya: Aysows. (sure kilig ito.) GM: good morning sa lahat! IKAW! Solo ka ha! (actually sa kanya ko lang sinnend ‘yung gm.) Siya: Grabe, in-gm. Ako: Para sikat! Siya: haha. (Ironic) Ako: Ha! Anu un! Siya: Wala lang. Haha! Ako: bili pa ako ballpen! Damit nasa bag ko. Siya: yan kuya, wrong sent po ata. (bakit ba “kuya”? Hindi mo ba gets na mahal kita o gets mo pero hindi mo lang ako mahal?) Ako: Walang wrong sent sau! Para sau lahat ng message ko. Siya: Ahh akala ko po e, sorry naman po. ( hindi ko hinihingi sorry mo. Gusto ko lang ng kahit kunting pagtingin. Alam ko kanta ‘yun.) Ako: wa ka pasok! (Para humaba ang usapan sa txt- magtanong nang magtanong.) Siya: Meron po. Hahaha, sa likod nakaupo e. Tsaka first day to meet the profs. Haha! Ako: ah! Marami ka ba katxt. (Ang tagal mo magreply e.) Siya: wala naman po. Hahaha, syempre may prof po so nakakatakot po kaya maglabas na phone. Haha! Ako: Special pala ako! Siya: Hahaha, asaness. E bat po ikaw, wala class? Ako: Wa prof! Uhy! Special ako! (omoo ka please.) Siya: You’re a friend, eh? Hahaha! (gusto kong umiyak. Gusto kong takbuhan ang nararamdaman ko. Gusto kong ipakita na maling ituring na kaibigan niya lang ako. Shit na buhay ito!) Ako: Ho! Special ako. (huwag mo nang uulitin ang sinabi mo!) Siya: Ako ikaw? Alam mo po takbo ng isip ko?! Hahaha! Ako: Pwde dktahan! ( Sana pwede. Para sumaya ako. Papaligayahin kita. Kahit pangarap mo handa kong ibigay.) Siya: OPKORS NOT!!! Bad ka! (I know. Ahai. Patuloy lang akong masasaktan. Tsaka bakitko didiktahan ang puso mo kung hindi nga naman ako ang idinidikta nito?) Ako: Ah! E bad naman talaga ako eh! ( ako na ang masama. Kaya nga ako nagsasuffer ngayon e. I can be wolverine. I can heal myself but I can’t ease the pain.) Siya: Friend nga po kita. (kailangan bang iinsist. Tang-ina ang sakit na ha. Tang-ina talaga!) Ako: Ho! Special! Haha! (I don’t want you to see the real me. Kailangan kong maging matatag. Sabi nga sa nakasulat sa t-shirt ng mga teenager- NEVER GIVE UP.) Siya: Friend o wala? Take your pick. Hahahahaha! Ako: Wala! Haha! Special! (Pwede bang ako na lang mahalin mo? Sobrang bias ng buhay.) Siya: Bahala ka po maniwala ka po sa anong gusto mo. May free will ka naman e. Haha! ( Oo, maniniwala ako sa pangarap ko. Mabubuhay ako sa panaginip. Maybe I can make my dreams become my reality.) Ako: Haha! Ahm! Free will! Ayos pala! ( heto ako ngayon, nagpapakatanga.) Siya: Hahahaha, bakit po ba! Bad ka! Ako: Haha! Lagi naman akong bad sau! ( what I mean is lagi na lang bang kaibigan ang turing mo sa akin?) Siya: E bad ka po sakin e. Haha! Ako: sana laging ganito! (sana lagi tayong nagkakatext. Sana mahalin mo ako. Pero minsan kailangan ko rin talagang tumingin sa realidan. Ang realidad na kahit kalian ay hindi mangyayari ang mga panaginip ko. Hindi pwedeng maging tayo dahil hindi mo naman ako mahal.) Siya: Na? haha. Ako: Na special ako! Siya: Kahit hindi? ( One More Chance pahiram ng linya ha. “ Poi ako na lang. Akon a lang uli.”) Ako: Oo yan! Maniwala lang tau. Itutuloy……….
Posted on: Sat, 16 Nov 2013 13:23:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015