You have your page or wall na tinatawag. You can post anything you - TopicsExpress



          

You have your page or wall na tinatawag. You can post anything you want to post on your wall which can be viewed by your friends on their Top Stories sa wall nila. If you post pictures of food you had for lunch or whatever mealtime pa yan, ang dating daw for some, mayabang or social climber kasi parang “hey andito ako ngayon sa mamahaling resto”. Bakit kailangan piktyuran? Aba guilty ako dito minsan. Eto ha personal opinion lang. I post pics ng pagkain para hindi mang-inggit, para sa mga kagaya ko na mahilig kumain, mag-try ng mga pagkain na hindi usually niluluto sa bahay. Ako yung type na ma-foodtrip kasama si bff Partner. Mahilig ako magtanong sa mga friends kung saan okay kumain, magkano, worth it naman ba or reasonable ba ang price for the food. Maaring nakakain kana kung san ako nag-try na Resto pero baka yung food na na-piktyuran ko na ni-share ko sa FB eh at one point type mo order-in kaso hesitant ka kasi baka di masarap. So dito papasok yung pwede ka ngayon magkaron ng comment sa pinost mo na food pic. They can ask if ok naman ba yung food or sulit naman ba. At hindi lahat ng pino-post ko eh sa mga mamahalin Resto, kahit nga galing Tindahan ni Manang lang yan eh or Halo-halo ni Lola pa yan. Isa pa kaya ako nag-post kasi parang ako minsan I can get ideas on FB kung ano kakainin ko. Minsan kasi meron ka gusto kainin pero hindi mo alam kung ano yun, yung ganong feeling. So when I browse the FB wall and see food pics AYON na alam ko na kung ano na trip ko kainin, nagka-idea ako dahil sa pinost ng isang friend na picture or if parang appealing yung pic magtatanong na ako san yung resto or san yun nabibili para ma-try namin ni bff partner. Hindi din sign ng pagiging-inggitera yun. I just love to eat, un lang. Hindi masama busugin ang sarili lalo na pag napagod ka sa buong linggo mo sa work, treat na yun sa sarili mo. You deserve a treat for yourself. Yung iba gusto nilang treat sa sarili, spa or shopping. Kanya-kanyang trip ya. Basta ako stress-food-eating ang style ko, trip namin ni bff partner yung tipong pang-eat-all-you-can style para sulit. =)
Posted on: Thu, 03 Jul 2014 11:26:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015