anong nangyari? Bakit naging excuse ang pagfile ng kaso sa - TopicsExpress



          

anong nangyari? Bakit naging excuse ang pagfile ng kaso sa Ombudsman kay Napoles sa pag attend ng mga whistle blowers at ni Napoles sa Senate Blue Ribbon? Takipan blues na yata ito a. Ayaw nilang marinig at malaman ng taong bayan ang kanilang kabulastugan. Ayaw mabulgar na kasabwat ang gobyerno at mga kaalyado ni Pnoy ni Napoles sa pangungulimbat ng pera ng taong bayan. Maliwanag sa Constitution na ang Senate ay may karapatang mag imbestiga in aid of legislation. And that power is all encompassing. Matagal na ring may decision ang Korte Suprema sa isyung ito. Kaya dapat suportahan si Senator Guingona. Ituloy ang imbestigasyon ng Senado! Payagang dumalo si Napoles at ang mga whistle blowers sa imbestigasyon! Dapat magkaalaman na!
Posted on: Tue, 24 Sep 2013 02:16:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015